Fariseo, Mga
Sa Bagong Tipan, isang pangkat pang-relihiyon sa mga Judio na ang pangalan ay nagpapahiwatig na nakahiwalay. Ipinagmamalaki ng mga Fariseo na mahigpit nilang sinusunod ang mga batas ni Moises at ang pag-iwas ng anumang bagay na may kinalaman sa mga Gentil. Naniniwala sila sa buhay pagkatapos ng kamatayan, sa pagkabuhay na mag-uli, at sa pagkakaroon ng mga anghel at espiritu. Naniniwala sila na ang mga binabanggit na batas at tradisyon ay kasing halaga ng mga nasusulat na batas. Pinaliit ng kanilang mga turo ang relihiyon sa pagsunod ng mga pamantayan at nanghimok ng espirituwal na kapalaluan. Marami silang pinag-alinlangang Judio hinggil kay Cristo at sa kanyang ebanghelyo. Ang Panginoon ay nangusap laban sa mga Fariseo at sa kanilang mga gawain sa Mateo 23; Marcos 7:1–23; at Lucas 11:37–44