Lubusang Pagtalikod sa Katotohanan Tingnan din sa Paghihimagsik; Pagpapanumbalik ng Ebanghelyo Ang paglayo sa katotohanan ng mga tao, ng Simbahan, o buong bansa. Pangkalahatang lubusang pagtalikod sa katotohanan Kailangang mag-ingat ang mga Israelita laban sa paglayo ng kanilang mga puso sa Panginoon, Deut. 29:18. Kung saan walang pangitain, ang mga tao ay sumasama, Kaw. 29:18. Kanilang sinira ang walang hanggang tipan, Is. 24:5. Humampas ang hangin sa bahay na yaon, at ito ay bumagsak, Mat. 7:27. Ako’y namamangha na kaydali ninyong nagsilipat sa ibang ebanghelyo, Gal. 1:6. Nagsimula sila sa mabuting landas subalit nangaligaw sila sa abu-abo, 1 Ne. 8:23 (1 Ne. 12:17). Matapos na matikman nila ang bunga, nangagsilayo sila patungo sa mga ipinagbabawal na landas, 1 Ne. 8:28. Ang lubusang pagtalikod ng mga Nephita sa katotohanan ay nagsilbing batong kinatitisuran ng mga hindi naniniwala, Alma 4:6–12. Marami sa mga kasapi ng simbahan ang naging palalo at inusig ang iba pang mga kasapi, Hel. 3:33–34 (Hel. 4:11–13; 5:2–3). Kapag pinasasagana ng Panginoon ang kanyang mga tao, kung minsan ay pinatitigas nila ang kanilang mga puso at kinalilimutan siya, Hel. 12:2; 13:38. Pinatigas ng mga Nephita ang kanilang mga puso at nahulog sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas, 3 Ne. 2:1–3. Iprinopesiya ni Moroni ang tungkol sa lubusang pagtalikod sa katotohanan sa mga huling araw, Morm. 8:28, 31–41. Mauuna ang lubusang pagtalikod sa katotohanan sa Ikalawang Pagparito, D at T 1:13–16. Lubusang pagtalikod sa katotohanan ng naunang Cristianong simbahan Lumalapit ang mga taong ito sa akin sa pamamagitan ng kanilang mga bibig, Is. 29:10, 13. Tatakpan ng kadiliman ang lupa, Is. 60:2. Magpapadala ang Panginoon ng taggutom sa pagdinig sa mga salita ng Panginoon, Amos 8:11. May magsisilitaw na mga bulaang Cristo at mga bulaang propeta, Mat. 24:24. Mga ganid na lobo ay magsisipasok sa inyo, Gawa 20:29. Ako’y namamangha na kaydali ninyong lumayo sa kanya, Gal. 1:6. Magkakaroon ng pagtaliwas bago ang Ikalawang Pagparito, 2 Tes. 2:3. Maliligaw ang ilang tao hinggil sa katotohanan, 2 Tim. 2:18. Ang ilang tao ay may anyo ng kabanalan subalit ikinakaila ang kapangyarihan niyaon, 2 Tim. 3:5. Darating ang panahon na hindi na nila pakikinggan ang mabuting doktrina, 2 Tim. 4:3–4. Magkakaroon ng mga bulaang propeta at mga bulaang guro sa mga tao, 2 Ped. 2:1. May ilang taong magsisipasok na itinatatwa ang nag-iisang Panginoong Diyos, Jud. 1:4. May ilang taong nagpapanggap na sila’y mga apostol at hindi gayon, Apoc. 2:2. Nakita ni Nephi ang pagbubuo ng makapangyarihan at karumal-dumal na simbahan, 1 Ne. 13:26. Nangatisod ang mga Gentil at nagtayo ng maraming simbahan, 2 Ne. 26:20. Sila ay lumihis mula sa aking mga ordenansa at sumira sa aking walang hanggang tipan, D at T 1:15. Nababalot ng kadiliman ang mundo at ng masalimuot na kadiliman ang kaisipan ng mga tao, D at T 112:23. Sinabihan si Joseph na ang mga simbahan ay maling lahat; malayo ang kanilang mga puso sa Diyos, JS—K 1:19.