Ang dalisay na pag-ibig ni Cristo (Moro. 7:47 ); ang pag-ibig na taglay ni Cristo para sa mga anak ng tao at nararapat madama ng mga anak ng tao para sa isa’t isa (2 Ne. 26:30 ; 33:7–9 ; Eter 12:33–34 ); ang pinakadakila, pinakamarangal, pinakamasidhing uri ng pag-ibig, hindi lamang pagkagiliw.
Ang kaalaman ay nakapagpapayabang, subalit ang pag-ibig ay nagbibigay ng magandang halimbawa, 1Â Cor. 8:1 .
Ang pag-ibig sa kapwa-tao, isang dalisay na pag-ibig, ay nangunguna at nakahihigit sa halos lahat ng bagay, 1Â Cor. 13 .
Ang layunin ng kautusan ay pag-ibig sa kapwa-tao na nagmumula sa isang malinis na puso, 1Â Tim. 1:5 .
Lakipan ang pagmamahal-kapatid ng pag-ibig sa kapwa-tao, 2Â Ped. 1:7 .
Ipinag-utos ng Panginoon na nararapat magkaroon ng pag-ibig sa kapwa ang lahat ng tao, 2 Ne. 26:30 (Moro. 7:44–47 ).
Tiyakin na kayo ay may pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig sa kapwa-tao, Alma 7:24 .
Ang pag-ibig na taglay ng Panginoon para sa tao ay dalisay na pag-ibig, Eter 12:33–34 .
Kung walang pag-ibig sa kapwa ang tao ay hindi nila mamamana ang lugar na yaon na inihanda sa mga palasyo ng Ama, Eter 12:34 (Moro. 10:20–21 ).
Isinulat ni Moroni ang mga salita ni Mormon tungkol sa pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig sa kapwa-tao, Moro. 7 .