Pandaraya Tingnan din sa Mapanlinlang, Manlinlang, Panlilinlang Sa mga banal na kasulatan, ang pandaraya ay tusong panlilinlang. Pinagpala ang tao na ang yaong espiritu ay walang pandaraya, Awit 32:2 (Awit 34:13; 1 Ped. 2:1). Si Natanael ay isang Israelita na walang pandaraya, Juan 1:47 (D at T 41:9–11). Pinalalaki ng dalisay na kaalaman ang kaluluwang walang pandaraya, D at T 121:42.