Asa
Sa Lumang Tipan, ang ikatlong hari ng Juda. Natatala sa mga banal na kasulatan na ang kanyang “puso ay ganap sa Panginoon nang buong kapanahunan niya” (1 Hari 15:14). Sa panahon ng kanyang paghahari ay naiangat niya ang kasanayan ng hukbo, naitapon ang singkaw ng mga taga-Egipto, naialis ang mga diyus-diyusan, at naanyayahan ang mga tao na makipagtipang hanapin si Jehova (1 Hari 15–16; 2 Cron. 14–16). Gayunman, nang magkaroon siya ng sakit sa mga paa, hindi niya hiningi ang tulong ng Panginoon at namatay (1 Hari 15:23–24; 2 Cron. 16:12–13).