Mga Banal na Kasulatan
Doktrina at mga Tipan 65


Bahagi 65

Paghahayag tungkol sa panalangin na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Hiram, Ohio, Oktubre 30, 1831.

1–2, Ipinagkatitiwala sa tao ang mga susi ng kaharian ng Diyos sa mundo, at magwawagi ang layunin ng ebanghelyo; 3–6, Ang kaharian ng langit sa milenyo ay paparito at makikiisa sa kaharian ng Diyos sa mundo.

1 Makinig, at dinggin, ang isang tinig na isinugo sa ibaba mula sa kaitaasan, na malakas at makapangyarihan, na ang paglaganap ay umaabot hanggang sa mga dulo ng mundo, oo, na ang tinig ay sumasa tao—Ihanda ninyo ang daan ng Panginoon, tuwirin ang kanyang mga landas.

2 Ang mga susi ng kaharian ng Diyos ay ipinagkakatiwala sa tao sa mundo, at mula rito lalaganap ang ebanghelyo hanggang sa mga dulo ng mundo, katulad ng batong tinibag mula sa bundok, hindi ng mga kamay, ay lalaganap, hanggang sa mapuno nito ang buong mundo.

3 Oo, isang tinig na sumisigaw—Ihanda ninyo ang daan ng Panginoon, ihanda ninyo ang hapunan ng Kordero, maghanda para sa Kasintahanang lalaki.

4 Manalangin sa Panginoon, manawagan sa kanyang banal na pangalan, ipaalam ang kanyang mga kamangha-manghang gawa sa mga tao.

5 Manawagan sa Panginoon, upang ang kanyang kaharian ay lumaganap sa mundo, nang matanggap ito ng mga naninirahan dito, at maging handa para sa mga araw na darating, kung kailan ang Anak ng Tao ay bababa mula sa langit, nadaramitan sa tingkad ng kanyang kaluwalhatian, upang salubungin ang kaharian ng Diyos na itinatatag sa mundo.

6 Anupa’t nawa ay lumaganap ang kaharian ng Diyos, upang dumating ang kaharian ng langit, upang kayo, O Diyos, ay maluwalhati sa langit gayundin sa mundo, upang malupig ang inyong mga kaaway; sapagkat sa inyo ang karangalan, kapangyarihan at kaluwalhatian, magpakailanman at walang katapusan. Amen.