Bahagi 79
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Hiram, Ohio, Marso 12, 1832.
1–4, Tinatawag si Jared Carter na mangaral ng ebanghelyo sa pamamagitan ng Mang-aaliw.
1 Katotohanan, sinasabi ko sa iyo, na kalooban ko na ang aking tagapaglingkod na si Jared Carter ay nararapat muling magtungo sa mga bayan sa kasilanganan, nang lugar sa lugar, at nang lungsod sa lungsod, sa kapangyarihan ng ordinasyon kung saan siya inorden, nagpapahayag ng masasayang balita ng dakilang kagalakan, maging ang walang hanggang ebanghelyo.
2 At aking ipadadala sa kanya ang Mang-aaliw, na magtuturo sa kanya ng katotohanan at ng daan kung saanman siya hahayo;
3 At yamang siya ay matapat, muli ko siyang puputungan ng mga bungkos.
4 Samakatwid, magalak ang iyong puso, aking tagapaglingkod na Jared Carter, at huwag matakot, wika ng iyong Panginoon, maging si Jesucristo. Amen.