PJS, Genesis 19:9–15 (ihambing sa Genesis 19:5–10)
(Pinaglabanan ni Lot ang kasamaan ng Sodoma.)
9 At kanilang sinabi sa kanya, Umurong ka. At sila ay nagalit sa kanya.
10 At sinabi nila sa kanilang sarili, Ang taong ito ay naparito upang makipamayan sa atin, at ngayon ay nais niyang gawing hukom ang kanyang sarili; ngayon nga ay gagawan natin siya ng lalong masama kaysa sa kanila.
11 Sa gayon kanilang sinabi sa lalaki, Kukunin namin ang mga lalaki, at ang iyo ring mga anak na babae; at gagawin namin sa kanila ang inaakala naming makabubuti.
12 Ngayon ito ay naaalinsunod sa kasamaan ng Sodoma.
13 At sinabi ni Lot, Masdan ngayon, may dalawa akong anak na babae na hindi nakakilala ng lalaki; ipinamamanhik ko sa inyo, aking mga kapatid na hindi ko sila ilabas sa inyo; at hindi ninyo gagawin sa kanila ang inaakalang makabubuti sa inyong mga paningin;
14 Sapagkat hindi bibigyang-katwiran ng Diyos ang kanyang tagapaglingkod sa bagay na ito; kaya nga, nakikiusap ako aking mga kapatid, sa pagkakataong ito lamang, na sa mga lalaking ito ay wala kayong gawing anuman, nang sila ay mapanatag sa aking tahanan; sapagkat sa gayon sila nagtungo sa lilim ng aking bubong.
15 At sila ay nagalit kay Lot at nagsilapit upang sirain ang pinto, subalit ang mga anghel ng Diyos, na mga taong banal, ay iniunat ang kanilang kamay at hinatak si Lot sa kanila sa loob ng bahay, at ipininid ang pinto.