PJS, 1 Samuel 16:14–16, 23 (ihambing sa 1 Samuel 16:14–16, 23; gayon ding mga pagbabago ang ginawa sa 1 Samuel 18:10 at 19:9)
(Ang masamang espiritu na napasa kay Saul ay hindi mula sa Panginoon.)
14 Datapwat humiwalay ang Espiritu ng Panginoon kay Saul, at isang masamang espiritu na hindi mula sa Panginoon ang bumagabag sa kanya.
15 At sinabi ng mga tagapagsilbi ni Saul sa kanya, Masdan ngayon, isang masamang espiritu na hindi mula sa Diyos ay bumabagabag sa iyo.
16 Iutos ngayon ng aming panginoon sa kanyang mga tagapagsilbi na nasa harapan ninyo na humanap ng isang lalaki na bihasang manunugtog ng alpa; at mangyayari, na pagka ang masamang espiritu, na hindi mula sa Diyos, ay nasa inyo, na siya ay tutugtog, at kayo ay bubuti.
23 At ito ay nangyari na, na pagka ang masamang espiritu na hindi mula sa Diyos ay sumasa kay Saul, ay kinukuha ni David ang alpa, at tinutugtog ng kanyang kamay; gayon nagiginhawahan si Saul, at bumubuti, at ang masamang espiritu ay nahihiwalay sa kanya.