Mga Tulong sa Pag-aaral
PJS, 2 Mga Taga-Tesalonica 2


PJS, 2 Mga Taga-Tesalonica 2:2–3, 7–9 (ihambing sa 2 Mga Taga-Tesalonica 2:2–9)

(Ipinopropesiya ni Pablo ang lubusang pagtalikod sa katotohanan bago bumalik ang Panginoon.)

2 Upang huwag kayong madaling matinag sa isipan, o mabagabag man sa pamamagitan ng sulat, maliban kung ito ay tinanggap ninyo mula sa amin; ni sa pamamagitan man ng espiritu, ni sa pamamagitan man ng salita, na wari bang nalalapit na ang araw ni Cristo.

3 Huwag kayong palinlang kanino man sa anumang paraan; sapagkat magkakaroon muna ng pagtalikod, at mahayag ang taong makasalanan, ang anak ng kapahamakan;

7 Sapagkat ang hiwaga ng kasamaan ay gumagawa na, at siya ang yaong gumagawa, at hinahayaan siyang kumilos ni Cristo, hanggang sa ang panahon ay maganap na siya ay aalisin sa landas.

8 At sa gayon ang masamang iyon ay ilalantad, na pupuksain ng Panginoon sa pamamagitan ng hininga ng kanyang bibig, at wawasakin sa pamamagitan ng liwanag ng kanyang pagparito.

9 Oo, ng Panginoon, maging ni Jesus, na hindi paparito hanggang sa magkaroon muna ng pagtalikod, sa pamamagitan ng paggawa ni Satanas na may buong kapangyarihan, at mga palatandaan at kahanga-hangang kasinungalingan,