Mga Tulong sa Pag-aaral
PJS, Mga Taga-Galacia 3


PJS, Mga Taga-Galacia 3:19–20 (ihambing sa Mga Taga-Galacia 3:19–20)

(Si Cristo ang tagapamagitan ng bagong tipan. Inihambing ang bataS ni Moises [lumang tipan] at ang walang hanggang ebanghelyo [bagong tipan].)

19 Kaya nga ngayon, ang batas ay idinagdag dahil sa mga paglabag, hanggang sa pumarito ang binhi na siyang pinangakuan sa batas na ibinigay kay Moises, na inorden ng kamay ng mga anghel na maging tagapamagitan ng unang tipang ito, (ang batas).

20 Ngayon ang tagapamagitang ito ay hindi ang tagapamagitan ng bagong tipan; subalit may isang tagapamagitan ng bagong tipan, na si Cristo, tulad ng naisulat sa batas hinggil sa mga pangakong ginawa kay Abraham at sa kanyang mga binhi. Ngayon si Cristo ang tagapamagitan ng buhay; sapagkat ito ang pangakong ginawa ng Diyos kay Abraham.