Mga Tulong sa Pag-aaral
PJS, Genesis 17


PJS, Genesis 17:3–7, 11–12 (ihambing sa Genesis 17:3–12)

(Pinagtibay ng Diyos ang isang tipan ng pagtutuli kay Abraham. Ang ordenansa ng pagbibinyag at ang gulang ng mga bata kung kailan magkakaroon ng pananagutan ay ipinahayag kay Abraham.)

3 At ito ay nangyari na, na nagpatirapa si Abram, at nanawagan sa pangalan ng Panginoon.

4 At ang Diyos ay nakipag-usap sa kanya, nagsasabing, Ang aking mga tao ay nangaligaw mula sa aking mga aral, at hindi sumusunod sa aking mga ordenansa, na ibinigay ko sa kanilang mga ama;

5 At hindi nila tinupad ang aking pagpapahid ng langis, at ang paglilibing, o pagbibinyag na aking ipinag-utos sa kanila;

6 Sa halip ay tinalikdan ang kautusan, at isinagawa sa kanilang sarili ang paghuhugas ng mga bata, at ang dugo ng pagwiwisik;

7 At sinabi na ang dugo ng mabait na si Abel ay nabuhos para sa mga kasalanan; at hindi nalalaman kung saan sila mananagot sa aking harapan.

11 At pagtitibayin ko ang isang tipan ng pagtutuli sa iyo, at ito ang magiging tipan ko sa akin at sa iyo, at sa iyong binhi na susunod sa iyo, sa kanilang mga salinlahi; upang iyong malaman magpakailanman na ang mga bata ay walang pananagutan sa aking harapan hanggang sa sila ay magwalong taong gulang.

12 At iyong gagawing sundin ang lahat ng aking mga tipan na aking ipinakipagtipan sa iyong mga ama; at iyong susundin ang mga kautusang ibinigay ko sa iyo sa pamamagitan ng aking sariling bibig, at ako ay magiging Diyos sa iyo at sa iyong binhi na susunod sa iyo.

PJS, Genesis 17:23 (ihambing sa Genesis 17:17)

(Nagsaya si Abraham nang ihayag ang pagsilang ni Isaac.)

23 Nang magkagayon ay nagpatirapa si Abraham, at nagsaya, at nagsabi sa kanyang puso, Isang bata ang isisilang sa kanya na isandaang taong gulang na, at magsisilang si Sara na siyamnapung taon na.