Library
Mga Garment


Gilbert Arizona Temple

Pag-aaral ng Doktrina

Mga Garment

Buod

Ang mga adult na miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw na tumatanggap ng endowment ay pumapasok sa mga sagradong pangako, na tinatawag na mga tipan, upang masunod ang pinakamataas na pamantayan ng integridad at katapatan sa Diyos. Bilang bahagi ng pagpasok sa mga tipang ito sa templo, tumatanggap ang mga miyembro ng isang simpleng kasuotang pang-ilalim—na madalas tukuyin bilang “temple garment” o “kasuotan ng pagkasaserdote.” Hindi tulad ng iba pang ceremonial clothing na ginagamit sa endowment, ang garment ay panghabambuhay na isinusuot ng mga miyembro sa ilalim ng kanilang damit, na nagsisilbing araw-araw na paalala ng kanilang pakikipagtipan sa Diyos.

Noong unang panahon, iniutos ng Panginoon sa propetang si Moises na gumawa ng espesyal na damit para sa kanyang kapatid na si Aaron at sa iba pa na mangangasiwa sa tabernakulo: “Igagawa mo ng mga banal na kasuutan si Aarong iyong kapatid sa ikaluluwalhati at ikagaganda … upang siya’y italaga, na siya’y makapangasiwa sa akin sa katungkulang saserdote” (Exodo 28:2–3). Kabilang dito ang panlabas na kasuotan at panloob na kasuotan na napapatungan ng mga sapin-saping damit.

Sa ating panahon ang garment ay naghihikayat ng pagiging disente, ngunit ang kahalagahan nito ay mas malalim. Para sa mga miyembro ng Simbahan na nakatanggap ng endowment, ipinapaalala sa kanila ng garment ang kanilang kaugnayan sa Diyos, ang kanilang pangakong susundin ang Kanyang kalooban, at ang mga pagpapala at proteksyong ipinangako ng Diyos sa matatapat. Ipinahayag ng Unang Panguluhan ng Simbahan na ang paraan ng pagsusuot ng garment “ay panlabas na pagpapahayag ng ating [personal na] pangako na susundin ang Tagapagligtas” (First Presidency letter, Okt. 10, 1988).

May maikling video na mapapanood na nagbibigay ng karagdagang konteksto tungkol sa temple garment at temple ceremonial clothing.

Ang mga karagdagang turo ng mga propeta at apostol ngayon na ukol sa mga kasuotan sa templo ay makikita sa ChurchofJesusChrist.org/temples/prophetic-teachings-on-temples.

AnItala ang Iyong mga Impresyon

Mga Kaugnay na Paksa

Mga Banal na Kasulatan

Mga Reperensya sa Banal na Kasulatan

Mga Mensahe mula sa mga Lider ng Simbahan

Resources sa Pag-aaral

Pangkalahatang Resources

Paghahanda sa Pagpasok sa Banal na Templo

“Pagkuha ng mga Materyal ng Simbahan at Paghanap ng Impormasyon sa Family History,” Gabay na Aklat ng Mag-anak

Mga Magasin ng Simbahan

“Kung minsan tinatanong ako ng mga tao tungkol sa temple garment, na minsan ay sa walang-galang na pananalita. Ano ang dapat kong sabihin sa kanila?” Liahona, Setyembre 2012

“Pag-unawa sa Ating mga Tipan sa Diyos,” Liahona, Hulyo 2012

“Bakit mga Simbolo?” Liahona, Pebrero 2007