Library
Mga Espirituwal na Kaloob


pinagagaling ni Jesus ang lalaki

Pag-aaral ng Doktrina

Mga Espirituwal na Kaloob

Ang mga espirituwal na kaloob ay mga pagpapala o kakayahan na ibinigay ng Diyos sa Kanyang mga anak sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo. Ang mga kaloob ng Espiritu ay ibinigay upang pagpalain at tulungan ang mga yaong nagmamahal sa Panginoon at nagsisikap na sundin ang Kanyang mga kautusan.

Buod

Ang mga espirituwal na kaloob ay mga pagpapala o kakayahan na ibinigay ng Diyos sa Kanyang mga anak sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo. Ang mga kaloob ng Espiritu ay ibinigay upang pagpalain at tulungan ang mga yaong nagmamahal sa Panginoon at nagsisikap na sundin ang Kanyang mga kautusan. (Tingnan sa Doktrina at mga Tipan 46:9.)

Ang bawat tapat na miyembro ng Simbahan ay may kahit isa man lang na espirituwal na kaloob, at hinihikayat ng Panginoon ang Kanyang mga anak na “masigasig [na] hanapin ang mga pinakamahusay na kaloob, alalahanin sa tuwina kung para saan ibinigay ang mga ito” (Doktrina at mga Tipan 46:8). Ang mga banal na kasulatan ay maraming itinuturong kaloob ng Espiritu:

Kaalaman na “si Jesucristo ang Anak ng Diyos, at na siya ay ipinako sa krus para sa mga kasalanan ng sanlibutan” (Doktrina at mga Tipan 46:13).

Ang kakayahang maniwala sa mga salita ng mga yaong nagpapatotoo tungkol kay Jesucristo (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 46:14).

Kaalaman tungkol sa mga “pagkakaiba-iba ng pangangasiwa” (Doktrina at mga Tipan 46:15; tingnan din sa 1 Corinto 12:5). Ang kaloob na ito ay ginagamit sa pangangasiwa at pamumuno sa Simbahan.

Kaalaman tungkol sa “iba’t ibang pamamalakad,” na tumutulong sa mga indibiduwal na mahiwatigan kung ang isang turo o impluwensya ay nagmumula sa Diyos o may ibang pinagmulan (Doktrina at mga Tipan 46:16; tingnan din sa 1 Corinto 12:6–7).

Ang kaloob na “salita ng karunungan” (1 Corinto 12:8; Doktrina at mga Tipan 46:17). Hindi ito tumutukoy sa batas na kilala bilang Salita ng Karunungan o Word of Wisdom (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 89). Sa halip, ito ang kaloob na karunungan—ang kakayahang gamitin ang kaalaman sa mabubuting paraan.

Ang kaloob na “salita ng kaalaman” (1 Corinto 12:8; Doktrina at mga Tipan 46:18).

Ang kakayahang magturo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo (tingnan sa Moroni 10:9–10; tingnan din sa Doktrina at mga Tipan 46:18).

Ang kaloob na pananampalataya (tingnan sa 1 Corinto 12:9; Moroni 10:11).

Ang kaloob na “magkaroon ng pananampalataya na gumaling” (Doktrina at mga Tipan 46:19).

Ang kaloob na “magkaroon ng pananampalataya na makapagpagaling” (Doktrina at mga Tipan 46:20; tingnan din sa 1 Corinto 12:9; Moroni 10:11).

“Ang paggawa ng mga himala” (1 Corinto 12:10; Doktrina at mga Tipan 46:21; tingnan din sa Moroni 10:12).

Ang kaloob na magpropesiya (tingnan sa 1 Corinto 12:10; Moroni 10:13; Doktrina at mga Tipan 46:22). Itinuro rin ni Apostol Juan na “ang patotoo ni Jesus ang espiritu ng propesiya” (Apocalipsis 19:10).

“Ang makakita ng mga anghel at ng naglilingkod na mga espiritu” (Moroni 10:14).

“Pagkilala ng mga espiritu” (1 Corinto 12:10; Doktrina at mga Tipan 46:23).

Ang kaloob na makapagsalita ng iba’t ibang wika (tingnan sa 1 Corinto 12:10; Moroni 10:15; Doktrina at mga Tipan 46:24).

Ang kaloob na “pagpapakahulugan sa mga wika” (1 Corinto 12:10; Doktrina at mga Tipan 46:25; tingnan din sa Moroni 10:16).

Ang mga espirituwal na kaloob na ito at ang iba pang nakatala sa mga banal na kasulatan ay ilang halimbawa lamang ng maraming kaloob ng Espiritu. Pinagpapala ng Panginoon ang Kanyang mga anak sa maraming paraan ayon sa kanilang katapatan at kanilang mga pangangailangan at mga pangangailangan ng mga yaong pinaglilingkuran nila.

AnItala ang Iyong mga Impresyon

Mga Kaugnay na Paksa

Mga Banal na Kasulatan

Mga Reperensya sa Banal na Kasulatan

Resources sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan

Mga Mensahe mula sa mga Lider ng Simbahan

Mga Karagdagang Mensahe

Mga Video

Logo ng Tabernacle Choir

Mga Video ng Tabernacle Choir

I Need Thee Every Hour [Kailangan Ko Kayo]

Resources sa Pag-aaral

Mga Manwal sa Pag-aaral

Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan

Resources sa Pagtuturo

Mga Outline sa Pagtuturo