Pag-aaral ng Doktrina
Doktrina at mga Tipan
Buod
Ang Doktrina at mga Tipan ay isang aklat ng banal na kasulatan na naglalaman ng mga paghahayag mula sa Panginoon kay Propetang Joseph Smith at sa ilang iba pang mga propeta sa mga huling araw. Kakaiba ang banal na kasulatang ito dahil hindi ito pagsasalin ng mga sinaunang dokumento.
Ang Doktrina at mga Tipan ay isa sa apat na aklat ng banal na kasulatan na ginagamit sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw (ang tatlo pa ay ang Biblia, Aklat ni Mormon, at ang Mahalagang Perlas).
Sinabi ng Panginoon kay Propetang Joseph Smith, “Ang salinlahing ito ay tatanggap ng aking salita sa pamamagitan mo” (Doktrina at mga Tipan 5:10). Sa Doktrina at mga Tipan natututuhan natin ang mga doktrina hinggil sa kawalang-hanggan ng mga pamilya, ang mga antas ng kaluwalhatian na naghihintay sa kalalakihan at kababaihan pagkatapos ng buhay na ito, at ang pagtatatag ng Simbahan ni Cristo sa mundo ngayon. Mababasa rin natin ang tungkol sa mga tipang ginawa ng Diyos sa mga taong handang sumunod sa Kanyang mga kautusan.
Hinggil sa Doktrina at mga Tipan, sinabi ng Panginoon:
“Saliksikin ang mga kautusang ito, sapagkat ang mga ito ay tunay at tapat, at ang mga propesiya at pangako na nasa mga ito ay matutupad na lahat.
“Kung ano ang sinabi ko, ang Panginoon, ay sinabi ko, at hindi ko binibigyang-katwiran ang aking sarili; at bagaman ang kalangitan at ang lupa ay lilipas, ang aking salita ay hindi lilipas, kundi matutupad na lahat, maging sa pamamagitan ng sarili kong tinig o sa tinig man ng aking mga tagapaglingkod, ito ay iisa” (Doktrina at mga Tipan 1:37–38).
Sinabi ni Propetang Joseph Smith na ang Doktrina at mga Tipan “ang saligan ng Simbahan sa mga huling araw na ito, at isang kapakinabangan sa sanlibutan, ipinakikita na ang mga susi ng mga hiwaga ng kaharian ng ating Tagapagligtas ay muling ipinagkatiwala sa tao” (pambungad sa Doktrina at mga Tipan 70).
AnItala ang Iyong mga Impresyon
Mga Kaugnay na Paksa
Mga Banal na Kasulatan
Mga Reperensya sa Banal na Kasulatan
Resources sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan
-
Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Doktrina at mga Tipan”
-
Index to the Triple Combination, “Doctrine and Covenants”
Mga Mensahe mula sa mga Lider ng Simbahan
Mga Karagdagang Mensahe
Mga Video
Resources sa Pag-aaral
Mga Magasin ng Simbahan
“75 Truths in the Doctrine and Covenants,” New Era, Disyembre 2014
Jennifer Ricks, “Learning to Love the Doctrine and Covenants,” New Era, Abril 2012
Corliss Clayton, “Doctrine and Covenants Scripture-Story Grab Bag,” Liahona, Nobyembre 2001
Rex C. Reeve Jr., “A Latter-day Testament of Biblical Truth,” Liahona, Marso 2001
John W. Welch, “Topically Speaking: A Look at the Impressive Doctrine and Covenants,” Ensign, Setyembre 1985
Robert J. Woodford, “The Story of the Doctrine and Covenants,” Ensign, Disyembre 1984
Resources sa Pagtuturo
Mga Outline sa Pagtuturo
Mga Kuwento at Aktibidad para sa Pagtuturo ng mga Bata
“Doctrine and Covenants,” Lesson Helps for Teaching Children