Library
Diyos Ama


“Diyos Ama,” Mga Paksa at Mga Tanong (2023)

Ang Ama sa Langit at si Jesucristo ay nagpakita kay Joseph Smith

Gabay sa Pag-aaral ng Ebanghelyo

Diyos Ama

Ang Ama ng ating mga espiritu, na lubos na nagmamahal sa bawat isa sa atin

Inilalarawan sa aklat ng Apocalipsis ang Diyos na nakaupo sa isang trono bilang isang hari (tingnan sa Apocalipsis 3:21; 4:2, 10; 5:1). Ngunit maaari din natin Siyang isipin sa personal na paraan. Bilang ating mapagmahal na Ama sa Langit, talagang nagmamalasakit Siya sa atin: sa ating mga nadarama, nararanasan, inaasam, at pangarap. Isinulat ng mga miyembro ng Korum ng Labindalawang Apostol, “Mahalaga na sa lahat ng titulo ng paggalang at parangal at paghanga na ibinigay sa [Diyos], hiniling Niya sa atin na tawagin Siyang Ama.”1

Sino ang Ama sa Langit?

Ang Diyos Ama ang Kataas-taasang Nilalang na pinaniniwalaan, sinasamba, at dinadasalan natin. Siya ang may-akda ng plano ng kaligtasan at kadakilaan. Ang Diyos ang Ama ng ating espiritu at nagmamahal sa atin. Ang Kanyang gawain at kaluwalhatian ay “isakatuparan ang kawalang-kamatayan at buhay na walang hanggan ng tao” (Moises 1:39). Siya ay perpekto, nagtataglay ng lahat ng kapangyarihan, at nakaaalam ng lahat ng bagay. Siya ay “may katawang may laman at mga buto na nahihipo gaya ng sa tao” (Doktrina at mga Tipan 130:22).

Buod ng paksa: Diyos Ama

Mga kaugnay na gabay sa pag-aaral ng ebanghelyo Panguluhang Diyos, Mga Anak ng Diyos, Buhay Bago tayo isinilang; Premortal na Buhay, Sambahin ang Diyos Ama, Buhay na Walang Hanggan

Bahagi 1

Makikilala Natin ang Diyos

Sa gabi ng pagdurusa ng Tagapagligtas sa Getsemani, nanalangin si Jesucristo sa Ama sa Langit: “At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Diyos na tunay, at si Jesucristo na iyong sinugo” (Juan 17:3). Dahil mahal tayo ng Diyos, inaanyayahan Niya tayong makilala Siya upang makapagmana tayo ng buhay na walang hanggan. Kapag mas nakikilala natin ang Ama sa Langit, mas nais nating maging katulad Niya.

Mga bagay na pag-iisipan

  • Ano ang alam mo tungkol sa Ama sa Langit? Maaari mong pag-aralan ang ilan o lahat ng sumusunod na banal na kasulatan, na hinahanap ang mga bagay na inihayag tungkol sa Kanya:

  • Sinabi ng Panginoong Jesucristo, “Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay. Sinuman ay hindi makakarating sa Ama kundi sa pamamagitan ko” (Juan 14:6), at, “Pumarito ka, at sumunod ka sa akin” (Mateo 19:21). Ano ang itinuturo ng mga scripture passage na ito na makatutulong sa iyo sa pagsisikap mong makilala ang Diyos Ama?

Aktibidad sa pag-aaral kasama ang iba

  • Kahit ang maliliit na bata ay maaaring makilala ang Diyos Ama at makadama ng pagiging malapit sa Kanya. Maaari ninyong kantahin ang mga awiting tulad ng “Ako ay Anak ng Diyos” (Mga Himno, blg. 189), “Aking Ama’y Buhay” (Mga Himno, blg 190), o “Turuang Lumakad sa Liwanag” (Mga Himno, blg. 192). Pagkatapos ay talakayin ang natutuhan nila tungkol sa Ama sa Langit mula sa mga awiting ito.

Alamin ang iba pa

Bahagi 2

Tayong Lahat ay mga Espiritung Anak na Lalaki at Babae ng Diyos

lalaking nakatayo sa tuktok ng bundok at nakatingin sa paglubog ng araw

Kahit may malaking pagkakaiba-iba sa pamilya ng tao, ang isang katotohanan na pinagkakaisa tayo ay na lahat tayo ay anak ng mapagmahal na Ama sa Langit (tingnan sa Mga Hebreo 12:9). “Lahat ng tao—lalaki at babae—ay nilalang sa larawan ng Diyos. Bawat isa ay minamahal na espiritung anak na lalaki o anak na babae ng mga magulang na nasa langit, at bilang gayon, bawat isa ay may katangian at tadhana na tulad ng sa Diyos” (“Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo,” Gospel Library).

Nais ng Diyos na magkaroon ng patuloy na kagalakan ang bawat isa sa Kanyang mga anak sa buhay na ito at matanggap ang pagpapalang makapiling Siya sa buong kawalang-hanggan.

Mga bagay na pag-iisipan

  • Nangako ang Diyos ng saganang mga pagpapala sa matatapat na hindi natin kayang maunawaan (tingnan sa 1 Corinto 2:9–10). Marami Siyang naibahaging detalye tungkol sa mga pagpapalang ito sa mga banal na kasulatan. Maaari mong pag-aralan ang Doktrina at mga Tipan 76:50–70 at alamin ang ilan sa mga pagpapalang naghihintay sa mga sumusunod sa Diyos.

  • Maaari mong panoorin ang “Earthly Father, Heavenly Father” (3:59). Paano tayo mabibigyan ng mga tungkuling ginagampanan natin sa pamilya ng kahit kaunting pag-unawa tungkol sa nais ng Diyos na kahinatnan natin?

Aktibidad sa pag-aaral kasama ang iba

  • Pag-aralan ang Genesis 1:26–27. Ano ang mga pagkakatulad natin sa Diyos? Bakit makatutulong na malaman na hindi lamang tayo mga espiritung anak ng Diyos kundi nilikha rin ang ating pisikal na katawan sa Kanyang larawan?

Bahagi 3

Mapatitibay Mo ang Iyong Ugnayan sa Ama sa Langit

babaeng nagdarasal

Kadalasan, kapag gusto nating mas mapalapit sa mga kapamilya o kaibigan, ginagawa natin ang mga bagay na tulad ng pakikipag-usap sa kanila, paggugol ng oras na kasama sila, at mas iniuunawa sila nang mas mabuti. Nais ng Ama sa Langit na maging malapit tayo sa Kanya—at nais Niyang maging malapit sa atin. Ito ang Kanyang paanyaya sa atin: “Magsilapit sa akin at ako ay lalapit sa inyo” (Doktrina at mga Tipan 88:63). Isipin kung ano ang ibig sabihin ng ang pinakamakapangyarihang Nilalang sa sansinukob ay nais makipag-ugnayan sa atin at lumapit sa atin.

Ang alaala ng ating buhay bago tayo isilang sa piling ng Diyos ay inalis sa atin. Ngunit ipinaliwanag ni Pangulong Ezra Taft Benson na “walang bagay na higit na makakapagpamangha sa atin kapag sumakabilang-buhay tayo kundi ang malaman natin kung gaano natin kakilala ang ating Ama [sa Langit] at kung gaano tayo kapamilyar sa Kanyang mukha.”2

Mga bagay na pag-iisipan

Aktibidad sa pag-aaral kasama ang iba

  • Isiping sabihin sa iba na maghanap ng isang bagay sa silid na kumakatawan sa isang bagay na magpapatibay sa ating ugnayan sa Ama sa Langit. Sabihin sa kanila na ibahagi ang nalaman nila at kung ano ang kinakatawan nito. Sama-samang talakayin ang isang bagay na magagawa ninyong lahat na maglalapit sa inyo sa Diyos.

Alamin ang iba pa

Mga Tala

  1. Father, Consider Your Ways,” Ensign, Hunyo 2002, 12.

  2. Ezra Taft Benson, “Jesus Christ—Gifts and Expectations,” Ensign, Dis. 1988, 6.