189
Ako ay Anak ng Diyos
Mataimtim
1. Ako ay anak ng Diyos, Dito’y isinilang;
Handog sa ’kin ay tahana’t Mabuting magulang.
[Chorus]
Akayin at patnubayan Sa tamang daan.
Turuan ng gagawin, Nang S’ya’y makapiling.
2. Ako ay anak ng Diyos, Nangangailangang
Matutuhan Kanyang aral Habang bata pa lang.
[Chorus]
Akayin at patnubayan Sa tamang daan.
Turuan ng gagawin, Nang S’ya’y makapiling.
3. Ako ay anak ng Diyos, Biyaya’y kakamtin;
Kung ang nais N’ya’y susundin, S’ya’y makakapiling.
[Chorus]
Akayin at patnubayan Sa tamang daan.
Turuan ng gagawin, Nang S’ya’y makapiling.
Titik: Naomi W. Randall, 1908–2001. © 1957 IRI
Himig: Mildred T. Pettit, 1895–1977. © 1957 IRI