1. Sa’n naro’n ang aking
Kapayapaan?
Kung ang ginhawa’y ’di ko matagpuan?
Kung puso’y may sugat, galit o dusa,
At nagninilay nang
Nag-iisa?
2. Sa’n kung sumisidhi,
Pangangailangan,
Sa’n tutungo upang aking malaman?
Sa’n naro’n ang palad na may pag-alo?
At may pang-unawa?
Tanging sa Diyos.
3. Sa ’king puso’y dama
Ang kasagutan,
Kaligtasa’t Kaibigan sa ’king dusa.
Alay sa pagsamo, kapayapaan.
Pagmamahal N’ya ay
Walang hanggan.
Titik: Emma Lou Thayne, p. 1924. © 1973 IRI
Himig: Joleen G. Meredith, p. 1935. © 1973 IRI