105 Awit ang Papuri sa Pag-ibig Mapitagan 1. Awit ang papuri sa pag-ibig Ni Cristo na nilisan ang langit. Ayon sa plano, mundo’y tinungo At nagdusa para sa tao. 2. Kay-inam magkita t’wing pangilin, At sa paraang ’tinakda sa ’tin, Mga sagisag N’ya ay tanggapin, Pananalig ay pagtibayin. 3. O sagradong oras ng pag-ibig! Ang magkakaibigan, magniniig. Kanyang biyaya’y ginugunita, Sa papuri’y nagkakaisa. 4. Pagkat si Cristo, d’on sa Kalbaryo, Pumanaw upang tubusin tayo. Hosana’y awitin sa ngalan N’ya, Purihin ang Kanyang pagsinta. Titik: George Manwaring, 1854–1889 Himig: Frank W. Asper, 1892–1973. © 1948 IRI Doktrina at mga Tipan 138:1–4 Doktrina at mga Tipan 20:75