185 Bawat Buhay na Dumantay May pagninilay 1. Bawat buhay na dumantay At sami’y nagpatibay, Biyaya N’yo sa’min, O Diyos, At saksi ng pag-ibig N’yo. 2. Handog Ninyong sakdal inam Ang kaibigang mapagparam; Ang pagsunod n’ya kay Cristo Ang s’yang lakas ng buhay ko 3. Sa paglisan ng kaibigan Ay nasa puso kailanman Ang kanyang gunita, O Diyos, Gabay ko tungo sa Inyo. 4. Sa mga kaibigang lubos Na mahal ang Manunubos, Na kapayapaa’y dulot, Pupurihin Kayo, O Diyos. Titik: Karen Lynn Davidson, 1943–2019. © 1985 IRI Himig: A. Laurence Lyon, 1934–2006. © 1985 IRI Mga Kawikaan 17:17 Mga Kawikaan 4:18 Doktrina at mga Tipan 42:45–46