1. Ang mundo’t mga bulaklak,
Ang hangin, ang ulan at sinag,
Ang malawak na alapaap,
Karagatang kay aliwalas
Ang lahat nitong nasa paligid,
Nagsasabing Diyos ay pagibig.
2. Himig sa bukid at parang,
Sa burol at sa kagubatan,
Huni ng hangi’t at ang ibon,
Napakaamong dinggin doon
O kay banal na himig ng langit,
Inaawit: Diyos ay pagibig.
3. Ang pagasang sumisibol
Magmula sa ’ting mga puso,
Bawat ligayang nadarama,
Sa ’ting mga tahanan t’wina,
Ang bawat tinig mula sa langit,
Sinasambit; Diyos at pagibig.
Titik: Thomas R. Taylor, 1807–1835, bin.
Himig: Thomas C. Griggs, 1845–1903