170 Jehova na Panginoon ng Langit at Lupa May lawak 1. Jehova na Panginoon Ng langit at lupa, Sa bawat dako’y ihayag Ang Inyong salita; Sa bawat dako’y ihayag Ang Inyong salita. 2. Simbahan N’yo’t kaharian Ay umunlad nawa, Nang ang mundo’y maging langit At payapa t’wina; Nang ang mundo’y maging langit At payapa t’wina. 3. Isulong ang gawain N’yo! Bawat bansa’y dalhin Nang sa Inyong kaharian Kayo ay sambahin; Nang sa Inyong kaharian Kayo ay sambahin. 4. Ang tinig ng bawat tao’y Sabayang aawit, At ang himig ng papuri, Dinig hanggang langit; At ang himig ng papuri, Dinig hanggang langit. Titik: Di-kil. Himig: Oliver Holden, 1765–1844 Habacuc 2:14 Doktrina at mga Tipan 45:71