180 O Kayganda ng Templo N’yo, Panginoon Mataimtim 1. O kayganda ng templo N’yo, Panginoong mahal. Kung sa’n sagrado’ng gawain Nating mga Banal. Kay inam bigyan ng tulong, Mga yumao na, Kan’lang espiritu’y buhay At naghihintay pa. 2. O kayganda, Panginoon, N’ya ring ebanghelyo. Ngayong mga huling araw, Muling ’tinuturo. Kayganda ng pananalig, Bunga’y kaligtasan. Alay natin sa yumao Nang sangkatauhan. 3. O kayganda, Panginoon, Pangako N’yong laan. Kung wika N’yo ay susundin, T’yak ang kaligtasan. Kung mag-anak ay ’binuklod Sa templong sagrado, Sila’y kapiling sa walang Hanggang pag-unlad ko. Titik: Frank I. Kooyman, 1880–1963. © 1948 IRI Himig:Tracy Y. Cannon, 1879–1961. © 1948 IRI Doktrina at mga Tipan 138:47–48 Doktrina at mga Tipan 132:19–20