165 O, Makinig, Lahat ng Bansa! May tapang 1. O, makinig, lahat ng bansa! Tinig ng langit, nagbabadya! Ang katotohanan ay muling Naipanumbalik! [Chorus] L’walhati sa kaitaasan, Liwanag ng katotohanan! Gaya ng araw, sinag nito Ang s’yang tanglaw dito. 2. Mga bansang nasa karimlan, Ang liwanag ay inaasam. Lahat ngayo’y magsipagdiwang Sa katotohanan! [Chorus] L’walhati sa kaitaasan, Liwanag ng katotohanan! Gaya ng araw, sinag nito Ang s’yang tanglaw dito. 3. Hinirang ng Diyos na magsilbi, Ebanghelyo’y ibabahagi. Itanghal ang katotohanan Sa sangkatauhan. [Chorus] L’walhati sa kaitaasan, Liwanag ng katotohanan! Gaya ng araw, sinag nito Ang s’yang tanglaw dito. Titik: Ibinatay sa tekstong Aleman ni Louis F. Mönch, 1847–1916. © 1985 IRI Himig: George F. Root, 1820–1895 Doktrina at mga Tipan 133:36–38 Doktrina at mga Tipan 128:19–21