Musika
Tapat sa Pananampalataya


156

Tapat sa Pananampalataya

May lakas

1. Kabataan ba ng Sion,

Tama’y ’di ’paglalaban?

Sa pagsugod ng kaaway,

Sila ba ay aatras? Hindi!

[Chorus]

Sa katotohana’y may katapatan,

Pananampalataya’y ipaglalaban,

Utos ng Diyos ay susundin.

Buong puso ang katapatan.

2. Batid nating kadilima’y

Laban sa gawa ng Diyos,

Kabataan bang pangako’y

Titigil sa pagsunod? Hindi!

[Chorus]

Sa katotohana’y may katapatan,

Pananampalataya’y ipaglalaban,

Utos ng Diyos ay susundin.

Buong puso ang katapatan.

3. Kaligtasan ay kakamtin,

Totoo ay susundin.

Buong pusong magsisikap,

Laging mananalangin. Oo!

[Chorus]

Sa katotohana’y may katapatan,

Pananampalataya’y ipaglalaban,

Utos ng Diyos ay susundin.

Buong puso ang katapatan.

4. Ang kaharian ni Cristo’y

Ating pagsisikapan,

Upang maligtas sa piling

Ng Kanyang kinalugdan. Oo!

[Chorus]

Sa katotohana’y may katapatan,

Pananampalataya’y ipaglalaban,

Utos ng Diyos ay susundin.

Buong puso ang katapatan.

Titik at himig: Evan Stephens, 1854–1930

I Kay Timoteo 4:12

Alma 53:18–21