1. Salubungin ang pagsapit Ng araw ng pangilin,
Ang lungkot, ating limutin, Sabbath ay araw ng dalangin.
Mga guro ay bumabati Sa panlinggong paaralan,
Ebanghelyo ni Jesucristo, Tayo’y kan’lang tinuturuan.
[Chorus]
Salubungin ang pagsapit Ng araw ng pangilin,
Ang lungkot, ating limutin, Sabbath ay araw ng dalangin.
2. Ang kampana’y tumatawag, Dinggin natin ang himig,
Mga bata’y umaawit, Kay ligaya ng kan’lang tinig.
Pagdalo’y h’wag ng ’pagpaliban. Samo sa’tin ng tugtugin,
Sa daan, nauulinigan, Mga hakbang ay madaliin.
[Chorus]
Salubungin ang pagsapit Ng araw ng pangilin,
Ang lungkot, ating limutin, Sabbath ay araw ng dalangin.
3. Taimtim tayong magpugay, Awit ang alay sa Diyos.
At buong pusong sikapin, Nais N’ya ay araling lubos.
Habang bata’y tinuturuan Ng banal na kasulatan,
Salitang gabay at liwanag Sa landas ng katotohanan.
[Chorus]
Salubungin ang pagsapit Ng araw ng pangilin,
Ang lungkot, ating limutin, Sabbath ay araw ng dalangin.
4. Ang pamilya’t kaibiga’y Sama-samang narito.
Nagsisikap sa ’ting layon, Kaharian ng Diyos ang tungo.
Sa pagsubok na dinaranas, May lakas ang pananalig.
Ang katotohana’y hanapin, Ang mundo man sa ’ti’y umusig.
[Chorus]
Salubungin ang pagsapit Ng araw ng pangilin,
Ang lungkot, ating limutin, Sabbath ay araw ng dalangin.
Titik: Robert B. Baird, 1855–1916
Himig: Ebenezer Beesley, 1840–1906