Musika
Mga Binhi’y Ating Ipinupunla


132

Mga Binhi’y Ating Ipinupunla

May tatag ng loob

1. Bawat araw, mga binhi’y Ating ipinupunla,

May mga binhing mabuti, At may binhing masama.

Binhing dahil sa ulan ay Dagling naipupunla,

Binhing sa tigang na lupa Ay nasadlak sa dusa.

2. Binhing sa katahimikan Ng bundok ay napadpad,

Mga binhing sa madla ay Natabunan ng yabag.

Mga binhing nalimutan Ng pusong walang kusa,

At binhing ipinunla sa Dalangin at pagsinta.

3. Mga binhing ’di sumibol, Sa lupa’y walang buhay,

Mga binhing nagsi usbong, Wala man ang may punla.

Sa bawat bulong, ang dulot, May lungkot, may ligaya,

May buhay at kamatayan Sa ’ting isip at gawa.

4. Diyos na kahinaan namin Ay batid, h’wag lumisan!

Mga anghel N’yo’y isugong Tanod sa pinagtamnan,

Hanggang bukid ay tigib sa Bunga’t kal’walhatian

At pinagsikapan nating Buhay na walang hanggan.

Titik: di-kil., Pure Diamonds, Cleveland, 1872

Himig: Henry A. Tuckett, 1852–1918

Doktrina at mga Tipan 6:33

Awit 126:5–6