1. Liwanag sa gitna nitong dilim,
Maging gabay!
Tahanan ko’y malayo sa akin;
Maging gabay!
Palakasin; at ang hinaharap,
’Di man tanaw, patnubay mo’y sapat.
2. Dati’y ’di ko ipinanalangin
Ang ’yong gabay.
Pinili ko’y sariling landasin;
Maging gabay!
Sa puso dati’y kapalaluan,
Kahapon ko sana’y kalimutan.
3. Biyaya mo’y dama, at palagi,
Ika’y gabay;
Sa’n mang dako, hanggang sa ang gabi’y
Lumipas na.
At sa umaga’y makikita na,
Mga minamahal kong nawala!
Titik: John Henry Newman, 1801–1890
Himig: John B. Dykes, 1823–1876