Musika
Gising, Magbangon


7

Gising, Magbangon

Maningning

1. Gising, magbangon, nahihimbing na bayan!

Pintuan ng langit, muling nabuksan.

Ang dispensasyong huli na sa lahat ay

Nagniningning, tila bukang liwayway.

2. Tagpong s’yang pinapangarap ng makata,

At nakinita ng mga propeta,

Ang mal’walhating araw na ’pinangako,

Ngayo’y angkinin, O himbing na mundo!

3. Ipahayag sa awit at mga k’wento,

Kapayapaa’y itanghal sa mundo.

Katotohanang kayganda’t kay dalisay,

Sa sangkatauha’y nagwawagayway.

Titik: Theodore E. Curtis, 1872–1957. © 1984 IRI

Himig: Carolee Curtis Green, p. 1940. © 1984 IRI

Doktrina at mga Tipan 133:7–10

Doktrina at mga Tipan 43:17–20