Musika
Manunubos ng Israel


5

Manunubos ng Israel

May tatag ng loob

1. Manunubos ng Israel

Na aming galak;

Hiling sa Inyo’y biyaya.

Kanlungan s’araw,

Sa gabi ay tanglaw,

Hari at Tagapagligtas.

2. S’ya’y darating nang

Kanyang Tupa’y tipunin;

Sa Sion sila’y dadalhin.

Bakit tatangis

Sa lambak ng lumbay,

O maglagalag sa ilang?

3. O kay tagal nalulong

Sa kasalanan;

Kami sa ’Nyo’y sumasamo.

Galak ng k’away

Ang hirap at lumbay

Ngunit Israel lalaya na.

4. Balitang kayganda sa

Atin sa Sion,

Tanaw na’ng mga sagisag.

H’wag nang mangamba

Ati’y kaharian,

Pagtubos ay malapit na.

5. O Manunubos, tanglaw

Ninyo’y ibalik,

Ginhawa’y igawad sa ’kin;

Ang pagnasa kong

Tahanan N’yo’y masdan,

Pag-asa’ng dulot sa akin.

6. Sa pagsulyap N’ya,

mga Anghel nagdiwang,

Kanyang tinig hinihintay;

Kawalang-hangga’y

Puspos ng tinig N’ya,

Papuri sa Diyos alay.

Titik: William W. Phelps, 1792–1872, ini. mula kay Joseph Swain, 1761–1769.

Himig: Freeman Lewis, 1780–1859

Exodo 13:21–22

1 Nephi 22:12