151 Tinawag Upang sa Diyos Maglingkod May tibay ng loob 1. Tinawag upang sa Diyos maglingkod, At magpatotoo sa Kanya; Kahit sa’n aming binabalita, Ang pag-ibig ng Ama. [Chorus] Sulong, at pagsulong, l’walhati sa ngalan N’ya; Sulong, at pagsulong, l’walhati sa ngalan N’ya; Sulong, magsisulong habang nagsisiawit. Diyos ating lakas; sulong, maglingkod, Tinawag ng Diyos. 2. Tinawag upang biyaya’y kamtin, Ang Ama nati’y isang Hari; Ebanghelyo N’ya’y ipapangaral, Papuri’y iaalay. [Chorus] Sulong, at pagsulong, l’walhati sa ngalan N’ya; Sulong, at pagsulong, l’walhati sa ngalan N’ya; Sulong, magsisulong habang nagsisiawit. Diyos ating lakas; sulong, maglingkod, Tinawag ng Diyos. Titik: Grace Gordon, bin. Himig: Adam Geibel, 1855–1933 Doktrina at mga Tipan 4:2–3 Doktrina at mga Tipan 20:17–19