80
Kabanalang Lalo, Aking Kahilingan
May panalangin
1. Kabanalang lalo,
Ang kahilingan,
At sa kasalanan
Ay kalungkutan,
Lalong pananalig
Sa Manunubos,
Sa paglilingkod ko’y
Ligayang lubos.
2. Puso ko’y gawaran
Ng pasalamat,
Pag-asa’t ligaya
Sa l’walhati N’ya;
Sa Kanyang dinanas,
Luha at dusa;
Sa mga pagsubok,
Magpakumbaba.
3. Ako’y dalisayin,
Bigyang lakas din,
Bigyang pagnanasang
Langit marating;
Mas karapat-dapat
Sa kaharian,
Mithiing si Cristo
Ay matularan.
Titik at himig: Philip Paul Bliss, 1838–1876