159 Tulungan Akong Magturo Mataimtim 1. Tulungan akong magturo Na Kayo’ng aking gabay. Hangarin ng kapwa sana’y Maturuang mag-alay. 2. Kapwang sa kadiliman, Sana ay magabayan. Na landas N’yong mal’walhati Ay kanyang matagpuan. 3. Isip ko’y bigyang-liwanag, Tinig ko’y bigyang-saysay. Puso’y sidlan ng pag-ibig; Dantayan, aking kamay. 4. Tulungang aking mahanap, Tupa N’yong nawawalay. Diyos, nawa ako’y turuang Maging pastol na tunay. Titik at himig: Lorin F. Wheelwright, 1909–1987. © 1958, 1985 Lorin F. Wheelwright. Ang himnong ito ay maaaring kopyahin para sa isahan, di-pangkalakal na gamit sa simbahan o tahanan. Doktrina at mga Tipan 43:15–16 Juan 21:15–17