1. Tama’y gawin, pagsikat ng araw,
Dulot ay kalayaa’t liwanag.
Mga anghel sa langit, tumatanod;
Sa bawat kilos, gawin ang tama.
[Chorus]
Tama’y gawin, ang bunga’y makikita;
Ang kalayaan ay ipaglaban.
May tapang na harapin ang umaga;
Diyos ang tutulong, gawin ang tama.
2. Tama’y gawin, hadlang napapalis,
Tanikala ay wala nang bisa.
Kaligayaha’y dulot ng pag-asa;
Katotohana’y sumusulong na.
[Chorus]
Tama’y gawin, ang bunga’y makikita;
Ang kalayaan ay ipaglaban.
May tapang na harapin ang umaga;
Diyos ang tutulong, gawin ang tama.
3. Tama’y gawin, manampalataya:
Magpunyagi, layuni’y tanaw na.
Mga luha sa mata’y papawiin
At pagpapala’y iyong kakamtin.
[Chorus]
Tama’y gawin, ang bunga’y makikita;
Ang kalayaan ay ipaglaban.
May tapang na harapin ang umaga;
Diyos ang tutulong, gawin ang tama.
Titik: Di-kil., The Psalms of Life, Boston, 1857
Himig: George Kaillmark, 1781–1835