Musika
Ang Paglipas ng Panahon


167

Ang Paglipas ng Panahon

Mataimtim

1. Ang paglipas ng panahon ay kay tulin,

Ebanghel-yo’y ihahayag pa sa mundo.

Kaya’t sa lahat ng dako ay sabihin:

Magsisi dahil darating na ang Diyos,

Magsisi dahil darating na ang Diyos.

2. Tungkulin mo ma’y kay bigat, h’wag Iwasan,

Sundin t’wina ang halimbawa ni Cristo.

Mga pagsubok, ga’no man ’to kahirap,

L’walhati ang naghihintay sa iyo,

L’walhati ang naghihintay sa iyo.

3. ’Di alintana, mundo man ay masuklam,

Kung ang ating Diyos tayo’y kinalulugdan.

Naghahanda’ng mga anghel ng biyaya,

Sumulong, manalig: pangako’y laan;

Sumulong, manalig: pangako’y laan.

4. Loob mo’y tibayan, ika’y susubukan,

Alam na ng Diablo ang ’yong katungkulan.

Landas ma’y mahirap, si Cristo’y lilingap,

Lakas N’ya’y sapat, Diablo ma’y humadlang;

Lakas N’ya’y sapat, Diablo ma’y humadlang.

Titik: Eliza R. Snow, 1804–1887

Himig: Katutubong awiting Aleman

Doktrina at mga Tipan 33:2–10, 17

Doktrina at mga Tipan 51:19