18 Ang Aming Propeta’y Basbasan Nawa May pananalangin 1. Ang aming propeta Ay basbasan nawa, O Diyos Ama. Sa aming kalul’wa, Ang bawat N’yang wika, Manatili’t maging Gabay t’wina 2. Inyong kaharian, Saad ng propeta, Lalaganap. Katotohanan ay Ilaw sa ’ming buhay, Dakilang layunin Ang s’yang hanap. 3. Ang pagkakaisa Ng Diyos Ama’t Anak, Nawa’y kamtin. Sa diwa at gawa, Mga Banal nawa’y Walang hanggang tapat At magiting. Titik: Bernard Snow, 1822–1894, bin. Himig: Harry A. Dean, 1892–1987. © 1985 IRI Doktrina at mga Tipan 107:22 3 Nephi 19:23