Musika
Kayrami Man ng Pagsubok


69

Kayrami Man ng Pagsubok

May tuwa

1. Kayrami man ng pagsubok,

Sulong, mga Banal ng Diyos!

Ang araw ng pagkabuhay

Sa ’ting mundo ay sisilay;

Sa ’ting mundo ay sisilay.

2. Pasakit ma’t pagdurusa

Ang sa ngayo’y nadarama,

Si Cristo ay darating na,

At S’ya’y muling makikita,

At S’ya’y muling makikita.

3. Ang Diyos Ama ay purihin,

Magdiwang nang walang hanggan.

Laganap man ang pagsubok,

Si Cristo ay may tinuran,

“Sa ’ki’y may kapayapaan.”

4. Kahit tayo ay apihin,

At pag-aari’y agawin,

Pangako ng Diyos ay tapat;

Layunin N’ya’y matutupad.

Layunin N’ya’y matutupad.

5. Sumusulong ang gawain

\At dakilang pangyayari;

Kahariang huling araw,

Ay l’walhati ang hatid,

Ay l’walhati ang hatid.

6. Galit ng Diablo’y ‘di pansin,

Wika ng pro-pe-ta’y dinggin.

Tulad ng luk-lu-kan ng Diyos,

Ito’y ‘di kayang itatwa,

Ito’y ‘di kayang itatwa.

7. L’wal-hati sa Kanyang ngalan,

S’yang nagsugo sa propeta

nang maihayag ang balita

Ng kaligtasan sa mundo,

Ng kaligtasan sa mundo.

Titik: Eliza R. Snow, 1804–1887

Himig: George Careless, 1839–1932

Doktrina at mga Tipan 58:2–4

Juan 16:33