176
Habang Aking Binabasa
May pananalangin
1. Habang aking binabasa
Ang kasulatang banal,
O Diyos, bigyang karunungan
Ang puso ko’t isipan.
2. Habang aking binabasa
Ang kasulatang banal,
Buhay sana’y maunawaan
Sa wika Ninyong tangan.
3. Habang aking binabasa
Ang kasulatang banal,
Puso sanang nagdurusa
Ay bigyan ng kalinga.
4. Habang aking binabasa
Ang kasulatang banal,
Sa walang hangganang buhay,
Liwanag N’yo ang gabay.
Titik at himig: C. Marianne Johnson Fisher, 1932–2018.