1. Banayad ang utos ng Diyos,
Panuntunan N’ya’y kaybuti,
Sa Panginoo’y idulog ang pasanin
At magtiwala palagi.
2. Sa Kanyang pag-aaruga,
Ang mga Banal ay ligtas.
Kamay N’ya’ng gabay sa buong kalikasan,
Tanod at tanggulang wagas.
3. Bakit ka nababagabag,
Sa ’yong mga suliranin?
Luklukan ng Diyos Ama ang ’yong tunguhin,
Ginhawa ang s’yang kakamtin.
4. Kabaitan N’ya ay labis,
’Di magmamaliw kailanman.
Ang pasanin ko ay Kanyang aakuin,
At S’ya’y aking aawitan.
Titik: Philip Doddridge,1702–1751
Himig: Hans G. Nägeli, 1773–1836; ina. ni Lowell Mason, 1792–1872