1. Tahana’y isang langit Kung puspos ng pag-ibig,
Ligaya ang s’yang hatid, Biyaya ng langit —
Sigla at kabutihan, Pag-ibig, kaligtasan —
Tahanan ay langit kung sa’n Tayo tatahan.
2. Sa lingguhang pagtipon, Sisigla’ng bawat bata
Upang tayo’y umunlad, Magsilbing may tuwa.
Sa gabay ng magulang, Tatalima ang anak;
Pagtahan do’n sa langit ang S’yang tinatahak.
3. Manalangin sa t’wina, Damhin Kanyang pag-ibig,
Salita ng ating Diyos Binabasang lagi.
Sa pag- awit, sasambit, “O, Diyos, h’wag ipagkait,
Ang daan tungong langit nang Aming makamit.“
Titik: Carolyn Hamilton Klopfer, p. 1936. © 1985 IRI
Himig: W. Herbert Klopfer, p. 1936. © 1985 IRI