Musika
S’ya’y Nabuhay


119

S’ya’y Nabuhay

May dangal

1. S’ya’y nabuhay! S’ya’y nabuhay!

Itanghal nang may sigla.

Nagapi N’ya ang libingan;

Ang mundo’y magdiwang na.

Malaya na ang tao,

Nagtagumpay si Cristo.

2. Halina’t ating awitin,

Tagumpay ng ating Diyos!

Ang umaga’y masdan natin,

Ang liwanag N’ya’y lubos,

Ang muling pagkabuhay

Ang sagisag na taglay.

3. S’ya’y nabuhay! S’ya’y nabuhay!

Langit ay nabuksan na.

Sa dilim ng kasalanan,

Tayo’y pinalaya N’ya.

Nakamit na ang mithi:

Pagkabuhay na muli.

Titik: Cecil Frances Alexander, 1818–1895

Himig: Joachim Neander, 1650–1680

Marcos 16:6–7

Mosias 16:7–9