29 Ang Araw ay Sumisikat Maligaya 1. Araw, sumisikat, mundo’y gumigising, Ulap ng kadilima’y napaparam. Sa bawat ibayo, mundo’y maligaya, Sinasalubong, araw na kayganda. [Chorus] O araw na maginhawa, Pagsikat mo’ng aming nasa. Purihin ang liwanag mo, O umaga ng milenyo. 2. Mga banal ay magtitipon sa templo Upang iligtas ang mga yumao. Maligayang mga kaibiga’y makita’t Makapiling sa araw na kayganda. [Chorus] O araw na maginhawa, Pagsikat mo’ng aming nasa. Purihin ang liwanag mo, O umaga ng milenyo. 3. Laging isabuhay ang aral na tunay, Laan ng Diyos para sa ’ting paglakbay. At O kayligaya! Ating makikita Si Cristong Diyos sa araw na kayganda. [Chorus] O araw na maginhawa, Pagsikat mo’ng aming nasa. Purihin ang liwanag mo, O umaga ng milenyo. 4. Ating samahan ay banal at dalisay, At sa piling ni Cristo’y mamumuhay. Hanggang bawat bayan ay ating kasamang Magpupuri sa araw na kayganda. [Chorus] O araw na maginhawa, Pagsikat mo’ng aming nasa. Purihin ang liwanag mo, O umaga ng milenyo. Titik: Joseph L. Townsend, 1849–1942 Himig: William Clayson, 1840–1887 Doktrina at mga Tipan 29:11 Doktrina at mga Tipan 45:59