1. Halina, tinig ng propeta’y dinggin,
Salita ng Diyos ay pakinggan;
Maligayang himig ating awitin,
Magdiwang sa katotohanan.
Atin nang batid ang landas na sinundan
Ng mga naunang propeta.
Upang ibalik itong kaalaman,
Bagong propeta’y ’pinadala.
2. Kalungkuta’t kadilimang laganap
Dito sa buong sanlibutan
Ay pinawi na ng Tagapagligtas,
At ang wangis N’ya ay namasdan.
Naligaw ng landas, buong sanlibutan
Sa mga dating kamalian;
Ngunit nakita na ng mga Banal,
Tuwid at makitid na daan.
3. Kanilang tiwala ay ’di sa tao,
At ’di sa kanyang kakayahan.
Sinumang kay Cristo ay magkaila,
Kakamtin ang kaparusahan.
Ang wika ng Tagapagligtas sa lahat,
“Sundin ang bawat kong salita.
Mga palatandaa’y makakamtan
Ng may pananampalataya.”
4. Atin nang dinggin ang mga salita
Ng katotohana’t liwanag.
Buong giting na ang batas N’ya’y sundin,
Tiyakin ating pagkahirang.
Upang sa sagradong tinig ay marinig,
Pangakong ika’y maghahari;
Habang ligaya’t tuwa’y nadarama,
Kabilang sa mga napili.
Titik: Joseph S. Murdock, 1822–1899
Ikaapat na berso, Bruce R. McConkie, 1915–1985. © 1985 IRI
Himig: Joseph J. Daynes, 1851–1920