1. Buhay ang aking Manunubos.
Kay ligayang ito’y matalos
S’ya ay nabuhay na muli,
Ang aking walang hanggang Hari.
S’ya’y buhay! Sa ’ki’y nagbibigay
Ng pag-ibig na dalisay.
S’ya’y buhay! Lunas ang alay N’ya
Sa ’king uhaw na kalul’wa.
2. Buhay S’ya upang ako’y bigyan,
Patnubay sa bawat kailangan;
Ginhawa S’ya sa pighati,
Karaingan ko’y rinig lagi.
S’ya’y buhay! Luha ko’t pangamba
Sa t’wina’y pinapawi N’ya,
S’ya’y buhay upang payapain
Ang pusong may paninimdim.
3. Buhay S’yang aking Kaibigan.
Pagmamahal N’ya’y walang hanggan.
Habang buhay, aawitan.
S’yay buhay, Hari kailanpaman!
S’ya’y buhay, at ang kamatayan,
Aking pagtatagumpayan.
S’ya’y buhay! Kanyang ’nilalaan
Sa langit, aking tahanan.
4. Luwalhati sa Kanyang ngalan!
Tagapagligtas kailanpaman!
Ligayang aking matalos:
“Buhay ang aking Manunubos!”
Luwalhati sa Kanyang ngalan!
Tagapagligtas kailanman!
Ligayang aking matalos:
“Buhay, aking Manunubos!”
Titik: Samuel Medley, 1739–1799
Himig: Lewis D. Edwards, 1858–1921