107 Jesus ng Nazaret, Aming Hari May pagsamba 1. Jesus ng Nazaret, Aming Hari Na sa kamatayan Ay nagwagi Nilisan ang langit At nag-alay Ng gawaing banal, At ng buhay. 2. Habang ang tinapay Kinakain, Buong galang Kayong Iisipin. Naghirap sa burol Ng kalbaryo; Sa puso’y gunita, Pagdusa N’yo. 3. Habang tinatanggap Ang inumin, Ngalan Ninyo’y aming Pupurihin. Habang buhay, kami’y Patnubayan Hanggang makamtan ang Walang hanggan. Titik at himig: Hugh W. Dougall, 1872–1963 Juan 6:38–40 Juan 15:13