154 Lakas Mo ay Idagdag May sigla 1. Kailangan ng mundo’y taong Handa na mag-ambag; Sa gawaing kaydakila, Lakas mo ay idagdag. [Chorus] Lakas mo ay idagdag; gumawa, Tungkulin mo ay gawing may sigla. Walang dapat magpabaya, Lakas mo ay idagdag. 2. Simbaha’y nangangailangan Ng pusong may habag, At ng kamay na daramay. Lakas mo ay idagdag. [Chorus] Lakas mo ay idagdag; gumawa, Tungkulin mo ay gawing may sigla. Walang dapat magpabaya, Lakas mo ay idagdag. 3. H’wag mong sayangin ang oras, Kailangang magsipag. Kasalanan ay pawiin; Lakas mo ay idagdag. [Chorus] Lakas mo ay idagdag; gumawa, Tungkulin mo ay gawing may sigla. Walang dapat magpabaya, Lakas mo ay idagdag. 4. Kumilos ka at magdasal, Palaging magmatyag. Buong giting magpunyagi; Lakas mo ay idagdag. [Chorus] Lakas mo ay idagdag; gumawa, Tungkulin mo ay gawing may sigla. Walang dapat magpabaya, Lakas mo ay idagdag. Titik at himig: Will L. Thompson, 1847–1909 Doktrina at mga Tipan 58:26–28 Doktrina at mga Tipan 107:99