113 Masdan N’yo ang Anak ng Diyos Mapitagan 1. Masdan n’yo ang Anak ng Diyos, Papanaw bilang pagtubos, Sa kasalanan ng mundo, Sa kasalanan ng mundo, Upang maligtas ang tao. 2. Habang sila’y nanunuya, Sa krus ay ipinako S’ya. Sa gitna ng panlalait, Sa gitna ng panlalait, S’ya’y pinutungan ng tinik. 3. Kahit na S’ya’y nagdurusa, Walang daing sa labi N’ya. Dakilang layo’y tutupdin, Dakilang layo’y tutupdin, Ang nais ng Ama’y sundin. 4. “Nawa ang saro’y alisin, Ama, kung Inyong naisin. Tapos na’ng aking gawain, Tapos na’ng aking gawain, Kalul’wa ko ay tanggapin.” 5. Nang matanaw ang pagpanaw, Nagkubli ang haring araw. Buong mundo ay nayanig, Buong mundo ay nayanig, “Diyos ang pumanaw!” ang sambit. 6. S’ya ay buhay, S’ya ay buhay, Tayo ngayo’y nagpupugay. Bilang mga Banal ngayon. Bilang mga Banal ngayon. Ang alay nati’y pagsunod. Titik: Eliza R. Snow, 1804–1887 Himig: George Careless, 1839–1932 Doktrina at mga Tipan 18:11 Lucas 22:42 Lucas 23:46