61 Diyos ang Gabay May tatag 1. Sa langit, ating dalangin: Diyos ang gabay; Layuning dakila’y atin: Diyos ang gabay. Kabutiha’y nakatala, Tagumpay ang s’yang biyaya: Diyos ang gabay, Diyos ang gabay. 2. Ulitin, ating pagsamo: Diyos ang gabay; Masawi ma’y ’di susuko: Diyos ang gabay. Tulad ng mga mabuti, Mabigo ma’y mal’walhati: Diyos ang gabay, Diyos ang gabay. 3. Matatag at matiisin: Diyos ang gabay; Panganib ay susuungin: Diyos ang gabay. Pagsubok, ’di alintana, Langit ang matatamasa: Diyos ang gabay, Diyos ang gabay. Titik: William E. Hickson, 1803–1870 Himig: Ernst Moritz Arndt, 1796–1860 Doktrina at mga Tipan 58:27–28 Alma 27:27, 30