Musika
Dahil Tayo’y Mahal ng Diyos


110

Dahil Tayo’y Mahal ng Diyos

May dangal

1. Dahil tayo’y mahal ng Diyos,

Sa ’ti’y sinugo si Jesus.

Upang sa ’ti’y ipakita,

Landas patungo sa Ama.

2. Kahit S’ya’y Diyos, naging mortal;

Nagdusa kahit S’ya’y banal.

Yumao S’yang walang sala

Upang tayo’y maligtas N’ya.

3. O sagradong pagmamahal,

Pasasalamat ko’y sakdal.

Ako’y kabilang sa alay,

At sa puso N’ya’y may puwang.

4. Wika’t gawa’y Kanyang nais

Na sa Kanya ay iparis.

Ako’y tutulad sa Kanya

At susundin ang aral N’ya.

5. Sagisag ang sakramento

Ng katawan N’ya at dugo.

Sa pagtanggap, pangako ko,

Panginoo’y nasa puso.

Titik: Edward P. Kimball, 1882–1937

Himig: Alexander Schreiner, 1901–1987. © 1948 IRI

Juan 3:16–17

Doktrina at mga Tipan 34:3