Pag-aaral ng Doktrina
Adiksyon
Ang adiksyon ay patuloy na pagkagumon sa mapaminsalang bisyo o sangkap. Nakapipinsala ito sa kakayahang makinig sa Espiritu at nalilimitahan nito ang kalayaan. Maraming may problema sa adiksyon ang dumaranas ng kahihiyan o nakadarama na hindi sila minamahal. Maaaring makadama sila ng pagkadismaya at mawalan ng pag-asa na posible ang paggaling. Subalit sa Diyos, walang imposible (tingnan sa Lucas 1:37). Lahat ay maaaring mapagaling at maprotektahan sa pamamagitan ni Jesucristo at ng Kanyang Pagbabayad-sala.
Buod

“Ang adiksyon ay nagpapahina ng determinasyon ng tao at winawalang-saysay ang kalayaang moral” (Boyd K. Packer, “Revelation in a Changing World,” pangkalahatang kumperensya ng Okt. 1989).
“Sa inyo na nabiktima na ng anumang uri ng adiksyon, may pag-asa dahil mahal ng Diyos ang lahat ng Kanyang anak at dahil ang Pagbabayad-sala ng Panginoong Jesucristo ay gagawing posible ang lahat ng bagay.
“Nasaksihan ko na ang kagila-gilalas na pagpapala ng paggaling na magpapalaya sa isang tao mula sa mga tanikala ng adiksyon. Ang Panginoon ang ating Pastol, at hindi tayo mangangailangan kapag nagtiwala tayo sa kapangyarihan ng Pagbabayad-sala. Alam ko na mapapalaya at palalayain ng Panginoon ang mga taong nalulong mula sa kanilang pagkaalipin, dahil ayon kay Apostol Pablo, ‘Lahat ng mga bagay ay aking magagawa sa pamamagitan niyang nagpapalakas sa akin’ (Filipos 4:13)” (M. Russell Ballard, “O Yaong Tusong Plano Niyang Masama,” Okt. 2010 pangkalahatang kumperensya).
AnItala ang Iyong mga Impresyon
Mga Kaugnay na Paksa
-
Pagsusugal
Mga Banal na Kasulatan
Mga Reperensya sa Banal na Kasulatan
Mga Mensahe mula sa mga Lider ng Simbahan
Mga Karagdagang Mensahe
Resources sa Pag-aaral
Pangkalahatang Resources
“Gabay sa Pagrekober at Paggaling Mula sa Adiksiyon,” Addiction Recovery Program
Overcoming Pornography through the Atonement of Jesus Christ
“Ministering Resources” (limitadong access sa mga miyembro ng ward at stake council)
Mga Magasin ng Simbahan
Lia McClanahan, “Paggaling sa Adiksyon: Unti-unting Pagpapagaling,” Liahona, Hunyo 2009